--Ads--

CAUAYAN CITY Umabot sa 118 ang naitalang nagkasakit ng dengue sa Santiago City noong 2020.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City Health Office (CHO), lumabas sa kanilang talaan na ang 118 na kaso ng dengue ay naitala sa 8 na ospital sa lunsod.

Tumataas ang mga nagkakasakit ng dengue tuwing panahon ng tag-ulan pangunahin na sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.

--Ads--

Kabilang ang mga barangay ng Rizal, San Andres at Victory Norte sa mga ikinukunsiderang dengue hotspots dahil sa mataas na kaso ng naturang sakit.

Noong Agosto 2020 ay nasawi ang isang 7 anyos na bata sa Patul, Santiago City dahil sa dengue.

Bagamat abala sa pagtugon sa COVID-19 pandemic ay patuloy ang pagsasagawa ng CHO  ng Health Education Campaign sa mga barangay sa tulong ng kanilang mga midwife, nurse at ilan pang health workers .

Muling nagpaalala ang CHO sa Search and Destroy, Seek Medical Advice and Say Yes to Fogging at Spraying (4’S) upang maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.

Patuloy na nagpapaalala sa publiko ang CHO  na panatilihing malinis ang paligid upang maiwasan ang sakit na dengue.