CAUAYAN CITY– Naniniwala ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Santiago na may malaking financier ang Grupo ni Rico Callueng na kabilang sa malaking sindikato sa pagbebenta ng mga pekeng Palladium Bars .
Sina Callueng at anim pang kasamahan sa sindikato ang umanoy bumibiktima sa mga mayayamang indibidwal na may interest sa alahas at treasure.
Isa sa nabiktima ng nasabing grupo ay si Engineer Felido Bautista na binentahan ng Palladium na nagkakahalaga ng sampong milyong piso.
Nang makatanggap ng pagbabanta at malaman ng biktima na peke ang hawak nitong Palladium ay kaagad siyang nagpatulong sa mga kasapi ng CIDG Santiago City na nagsagawa ng isang Entrapment Operation na nagresulta naman sa pagkakdakip ng mga suspect .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Romnick Subia, City Officer ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Santiago City, sinabi niya na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na naglipana ang mga kahalintulad na modus ng panloloko sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan at Cordillera Administrative Region.
Aniya, modus ng mga ito na paniwalain ang kanilang mga kliyente na tunay na treasure ang kanilang mga ibinebenta.
ibinebenta ng mga suspect ang mga umano’y ginto at Palladium sa mas murang halaga.
Lumabas din sa pagsisiyasat ng CIDG Santiago City na binibili ng nasabing grupo ang mga pekeng Palladium at Gold bars sa halagang P150,000.00 .
Inaalam na ng CIDG kung gaano katagal ang operasyon ng naturang grupo at ang posibleng kinalaman sa mga nauna nang kahalintulad na modus sa lalawigan.
Bukod sa pekeng palladium nasamsaman din ng Baril ang mga suspect .
Hinikayat naman ng CIDG Santiago ang mga posibleng naging biktima ng grupo na agad makipag-ugnayan sa kanilang himpilan.











