--Ads--

Pitong katao ang nasawi habang 125 iba pa ang nagtamo ng injuries matapos magbanggaan ang dalawang pampasaherong tren sa Giza province, timog ng Cairo, Egypt noong Linggo, Nobyembre 8.

Ayon sa mga awtoridad, naganap ang aksidente sa Al-Ayyat district nang bumangga ang isang tren na bumibiyahe mula Giza patungong Fayoum sa hulihang bahagi ng tren na patungong Aswan mula Cairo.

Dahil sa lakas ng impact, ilang bagon ang nadiskaril at napinsala, dahilan upang agad na magpadala ng mga rescue team at 72 ambulansiya sa lugar upang iligtas at dalhin sa ospital ang mga biktima.

Sa ulat ng Egyptian Health Ministry, 71 sa mga nasugatan ang nakalabas na ng ospital matapos mabigyan ng lunas, habang 43 ang nananatiling naka-confine para sa karagdagang gamutan.

--Ads--

Samantala, ipinag-utos ni Egyptian President Abdel Fattah al-Sisi ang agarang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente at mapanagot ang sinumang mapatutunayang responsable rito.