--Ads--
Nananatili pa rin sa kustodiya ng Bahay Pag-asa ang pitong menor de edad na inaresto kaugnay ng protesta noong pagbubukas ng 49th ASEAN Summit, ayon sa National Union of Peoples’ Lawyers o NUPL.
Kinontra ng grupo ang naunang pahayag ng Department of Justice na pinalaya na ang lahat ng 20 menor de edad na inaresto kaugnay ng protesta.
Ayon sa NUPL, hindi pa naipapalaya ang pitong kabataan dahil sumasailalim pa ang mga ito sa proseso ng discharge.
Samantala, sinabi ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na sisimulan ang kanilang pagpapalaya matapos makumpleto ang mga kinakailangang proseso, kabilang ang pakikipagpulong sa kanilang mga magulang o guardian.
--Ads--











