--Ads--

Mahigit doble ang naitalang barko ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa apat na mahahalagang maritime feature sa West Philippine Sea matapos ang pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, umabot sa 48 ang na-monitor na Chinese vessels mula Nobyembre 17 hanggang 23, kumpara sa 19 noong nakaraang linggo.

Sa naturang bilang, 31 ang barko ng China Coast Guard habang 17 naman ang barko ng Chinese Navy.

Kabilang sa mga lugar na minomonitor ang Ayungin Shoal, Bajo de Masinloc, Escoda Shoal at Pag-asa Island.

--Ads--

Sinabi ni Trinidad na bumaba ang presensya ng mga barkong Chinese noong kasagsagan ng ASEAN Summit ngunit muling dumami matapos ang pagtitipon.

Gayunman, wala namang naitalang malaking insidente sa West Philippine Sea sa nasabing monitoring period.