--Ads--

Nauwi sa marahas na sagupaan ang mga protesta laban sa pamahalaan ng Albania na pinangunahan ng mga estudyante sa kabisera nitong Tirana nitong Nobyembre 28, kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day ng bansa.

Naghagisan ng mga bato at Molotov cocktail ang ilang demonstrador sa mga pulis na rumesponde sa lugar.

Gumamit naman ang mga awtoridad ng tear gas at water cannon upang maawat ang mga nagpoprotesta at maibalik ang kaayusan.Patuloy namang sinusubaybayan ng mga awtoridad ang sitwasyon kasunod ng paglala ng kilos-protesta.