--Ads--

CAUAYAN CITY – Pitung barangay sa Ramon, Isabela ang apektado ng African Swine Fever (ASF) at halos 400 na baboy na ang isinailalim sa culling.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Municipal Agriculturist Cayetano Absalon  ng Ramon, Isabela na unang tinamaan ng ASF ang Purok 3 at 4 ng barangay  Raniag  na unang isinailalim sa culling ang mga baboy noong Abril 2020.

Kumalat na rin ang ASF sa mga barangay ng Villa Marcos, San Sebastian,  Bugallon Proper, Bugallon Norte,  Aguinaldo at Bantug.

Noong nakaraang Biyernes ay nagsagawa sila ng blood sampling sa  mga baboy sa barangay Ambatali,  Sitio Darapidap sa Barangay Bugallion Norte at Purok Ni Bulan.

--Ads--

Sinabi pa ni Municipal Agriculturist Absalon na nakatakda  silang magsagawa ng culling sa September 4, 2020.

Mayroon na ring naibigay na tulong ang pamahalaang panlalawigan at hinihintay pa ang  tulong ng pambansang pamahalaan.

Ang pahayag ni Municipal Agriculturist Cayetano Absalon.

Nanawagan si Ginoong Absalon sa mga hog raisers na namamatayan ng mga alagang baboy na iulat sa kanilang tanggapan at huwag ipaanod sa sapa o irrigation canal.

Ito ay matapos na may mga baboy na lumutang sa irrigation canal sa Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Sinabi ni Ginoong Absalon na nanlumo siya sa pagtatapon ng mga patay na baboy sa irrigation canal  dahil kawawa ang iba pang mga nag-aalaga ng baboy na mahawaan ng sakit ang mga alaga.

Iniulat niya sa Ramon Police Station ang nasabing pangyayari ngunit nahirapan silang tukuyin kung sino ang nagtapon sa mga baboy.

Hindi lamang ang bayan ng Ramon ang nakakasakop sa irrigation canal kundi ang mga kalapit na bayan.

Ang pahayag ni Municipal Agriculturist Cayetano Absalon.