--Ads--

CAUAYAN CITY Nadagdagan pa ang bilang ng mga miyembro ng City of Ilagan Police Station na nagpositibo sa COVID-19 matapos na lumabas ang resulta ng pagsusuri sa mahigit 20 na miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT).

Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng SWAT at nagpositibo rin ang dalawang direct contact na pulis.

Nahawa naman sa dalawa ang pitong iba pa na kasapi ng SWAT.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col Virgilio Abellera Jr., hepe ng City of Ilagan Police Station, sinabi niya na patuloy ang contact tracing ng City Inter Agency Task Force (CIATF) sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong pulis.

--Ads--

Kasabay nito ay nililimitahan din ang paggalaw ng mga kasapi ng himpilan ng pulisya para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Tiniyak ni PLt Col Abellera na patuloy ang pagsunod ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station sa mga health protocols para wala nang magpositibo sa COVID-19.

Nasa pangangalaga na ng pamahalaang lunsod ang mga nagpositibong kasapi ng SWAT at patuloy na inoobserbahan ang kanilang kalagayan.

Sa kasalukuyan ay 10 na pulis sa Lunsod ng Ilagan ang positibo sa virus.

Ang pahayag ni PLt Col Virgilio Abellera Jr.