--Ads--

CAUAYAN CITY– Mahaharap sa kasong grave threat ang isang lolo matapos niyang habulin ng panabas ang nakaalitang lalaki sa Purok Saranay, Barangay Batal, Santiago City.

Ang suspect ay si Noberto Baniqued, 70 anyos, isang magsasaka at residente ng Barangay Rizal, Santiago City habang ang biktima ay si Henry Mapalad, 44 anyos, may asawa, government employee at residente ng Barangay Patul, Santiago City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nagtungo sa palayan ng isang Lucia Zapata ang biktima upang sakahin ang naturang bukirin.

Ngunit ilang sandali ng nagtungo rin sa lugar ang suspect na siyang kasalukuyang tenant umano ni Ginang Zapata.

--Ads--

Kinumpronta umano ni Baniqued ang biktima at sa galit nito ay pinagbantaan nito si Mapalad na papatayin saka ito hinabol ng panabas.

Ayon sa Presinto uno, matagal nang inuupahan ni Baniqued ang naturang bukirin subalit walong taon na umano itong hindi nakakapagbayad dahil nalugi noong nakaraang anihan.

Ikinagalit umano nito ang biglang pagpapaupa ng iba ni ginang Zapata sa sinasakang lupain ni Baniqued.

Kasong grave threat ang kakaharapin ng suspect na nasa pangangalaga na ng Santiago City Custodial Facility.