--Ads--

Naglabas ng emergency alert ang United Arab Emirates o UAE sa mga residente dahil sa posibleng missile threat at pinayuhan ang publiko na agad magtungo o sunilong pinakamalapit na ligtas na gusali.

Sa abiso ng UAE Ministry of Interior, hinikayat ang mga residente na manatili sa loob ng gusali at lumayo sa mga bintana, pinto at mga open area habang hinihintay ang karagdagang abiso mula sa mga awtoridad.

Kasunod ito ng tumitinding tensyon sa rehiyon at mga ulat ng pagpapaputok ng mga missile mula Iran patungong UAE.

Nitong Agosto 18, sinabi ng UAE Ministry of Defence na dalawang ballistic missile na inilunsad mula Iran patungong UAE ang natukoy ng kanilang mga awtoridad ngunit kapwa bumagsak sa dagat.

--Ads--

Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at hinikayat ang publiko na umasa lamang sa mga opisyal na emergency notification at iwasang magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon.