--Ads--

CAUAYAN CITY– Tuluyan nang ipinasara ng pamahalaang lokal ng Aglipay, Quirino ang mga nag-ooperate na walong beerhouses sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Captain William Agpalsa, hepe ng Aglipay Police Station sa bisa ng memorandum na ipinalabas ni Mayor Jerrey Agsalda ay ipinasara nila ang mga beerhouses sa kanilang nasasakupan.

Ito ay dahil noong last quarter 2019 ay nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng may-ari at namamahala ng beerhouses kasama na ang PNP, DOH, Licensing Office at ang tanggapan ng Punong Bayan upang paalalahanan ang mga namamahala sa mga bahay kalakal ngunit patuloy pa rin ang paglabag sa alituntunin ng pamahalaang lokal.

Natuklasan din na may mga “fly by nights” o mga freelancer na nagbebenta ng aliw sa mga nasabing beerhouses na maaring makapanghawa ng Sexually Transmitted Diseases.

--Ads--
Tinig ni PCapt. William Agpalsa

Permanente anyang ipinasara at hindi na binigyan ng permit to operate ang walong beerhouses sa Aglipay, Quirino.