--Ads--
CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang walong panibagong kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, apat sa mga bagong kaso ang mula sa Santiago City, dalawa sa Cauayan City habang tig-iisa sa mga bayan ng Angadanan at San Mariano.
Magandang balita naman dahil 57 ang naidagdag sa mga gumaling kaya bumaba na sa 199 ang aktibong kaso sa Isabela.
--Ads--
Tatlo ang Returning Overseas Filipinos, 7 ang non-authorized persons outside residence, 17 Health Worker, 5 ang pulis at 167 ang mula sa local transmission.





