--Ads--

Hindi bababa sa walong katao ang nasawi habang 38 iba pa ang na-trap sa ilalim ng lupa matapos ang gas explosion sa isang coal mine sa Shanxi province sa northern China nitong Biyernes ng gabi.

Nauna nang iniulat na lumampas sa itinakdang limitasyon ang carbon monoxide levels sa loob ng minahan.

Patuloy pa rin ang rescue operations sa Liushenyu coal mine sa Changzhi City, kung saan naganap ang pagsabog dakong alas-7:30 ng gabi habang may 247 manggagawa sa ilalim ng lupa.

Sa pinakahuling ulat, nasa 201 katao na ang nailikas pagsapit ng alas-6:00 ng umaga ngayong Sabado.

--Ads--

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

Kilala ang Shanxi province bilang isa sa pangunahing coal-producing areas sa China, ngunit matagal na rin itong may rekord ng mga aksidente sa pagmimina dahil sa isyu ng kaligtasan sa industriya.