--Ads--

Nananatiling maayos ang ugnayan ng Pilipinas at China sa kabila ng maaanghang na pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na maaaring makaapekto sa relasyon ng dalawang bansa.

Sa panayam ng media, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ayaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot sa puntong lumala ang ugnayan ng Pilipinas at China dahil sa mga pahayag ng Chinese envoy.

Dahil dito, kakausapin ng Pangulo si Ambassador Jing Quan sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan upang malinawan ang kaniyang mga pahayag at maiwasang lumala ang sitwasyon.

Binigyang-diin din ni Castro na magkaiba ang usapin ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa at ang pagtatanggol ng Pilipinas sa teritoryo nito, kabilang ang mga interes nito sa West Philippine Sea.

--Ads--

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos nitong Biyernes na ipatatawag niya si Jing Quan upang linawin ang pahayag nito na madaling magwawagi ang China sakaling gumamit ito ng puwersa.