--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ang 8 panibagong positibo sa COVID 19 ng Department of Health region 2

Ngayong araw ay naitala ang pang-68 hanggang pang-75 na positibo sa COVID-19 sa rehiyon.

Ang unang kaso ay si CV68 na isang 48 anyos na lalaki na mula sa Ramon, Isabela.

Ang pasyente ay nagkaroon ng kasaysayan ng paglalakbay sa Santiago City at Bayombong, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Siya ay sumailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan.

Ang pangalawang kaso ay si CV69 na isang 44 anyos na lalaki, isang OFW na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia, mula Quezon, Nueva Vizcaya.

Ang pasyente ay nakarating ng Pilipinas noong June 2, 2020 at nakauwi ng kanilang bayan noong June 23, 2020 kung saan dinala sa quarantine facility ng lokal na Pamahalaan ng Quezon.

Kaagad na isinailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan.

Nakaranas ang pasyente ng pananakit ng lalamunan.

Ang pangatlong kaso ay si CV70 na isang 27 anyos na lalaki na mula sa Enrile, Cagayan.

Ang pasyente ay nagkaroon ng paglalakbay sa Antipolo, Rizal at nakauwi ng kanilang bayan noong June 23, 2020 kung saan dinala sa quarantine facility ng lokal na Pamahalaan ng Enrile.

Isinailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan.

Nanatiling asymptomatic ang pasyente at nasa pangangalaga ng lokal na Pamahalaan ng Enrile.

Ang pang-apat na kaso ay si CV71 na isang 24 anyos na babae na kasalukuyang buntis at mula sa Lal-lo, Cagayan.

Ang pasyente ay nagkaroon ng paglalakbay sa Pasay City at nakauwi ng kanilang bayan noong June 24, 2020 kung saan dinala ang pasyente sa quarantine facility Lokal na Pamahalaan ng Lal-lo.

Isinailalim siya sa swab test na positibo ang kinalabasan at nanatiling asymptomatic.

Nasa pangangalaga ng lokal na Pamahalaan ng Lal-lo ang nasabing pasyente.

Ang panglimang kaso ay si CV72 na 33 anyos na babae, isang OFW na nagtrabaho sa Kuwait, na mula sa Quezon, Isabela.

Ang pasyente ay nakarating sa Pilipinas noong June 4, 2020 at nakauwi sa lalawigan ng Isabela kung saan dinala ang pasyente sa quarantine facility ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa bayan ng Echague.

Ang pasyente ay isinailalim sa swab test at lumabas na positibo sa COVID-19.

Asymptomatic ang nasabing pasyente.

Ang CV73 na isang 32 anyos na lalaki ang pang-anim na kaso, isang OFW na nagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia, na mula sa Lasam, Cagayan.

Noong June 3, 2020 dumating sa bansa at isinailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan ngunit nanatling asymptomatic ang pasyente.

Ang pang pitong kaso ay si CV74, isang 26 anyos na babae, isang OFW na nagtrabaho sa Dubai, UAE, na mula sa Tumauini, Isabela.

Ang pasyente ay nakarating sa Pilipinas noong June 16, 2020 at nakauwi sa lalawigan ng Isabela kung saan isinailalim sa quarantine sa itinalagang pasilidad ng Pamahalaang Panglalawigan ng Isabela sa bayan ng Echague, noong June 2020.

Ang pasyente ay isinailalim sa swab test na positibo ang lumabas na resulta.

Walang ipinakitang sintomas ng virus ang pasyente.

Ang pang walong kaso ay si CV75 na 56 anyos na babae na mula sa Quezon, Isabela.

Ang pasyente ay nagkaroon ng kasaysayan ng paglalakbay sa Lungsod ng Malabon sa Maynila.

Nakaranas ang pasyente ng lagnat na nagsimula nang umuwi sa kanilang bayan noong June 23, 2020 na kanyang ipinakonsulta sa Quezon Community Hospital kung saan kasalukyang nakaquarantine ang pasyente.

Ang pasyente ay sumailalim sa swab test at nagpositibo sa COVID 19 virus.

Nagsasagawa na ng contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasamaluha ng mga nagpositibong kaso ang DOH sa pamamagitan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, katuwang ang DILG, PNP kasama ang mga Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, Cagayan at Nueva Vizcaya.