Plano ng Japan na maglabas ng humigit-kumulang 80 milyong bariles ng langis mula sa private at national oil reserves nito upang makatulong na pakalmahin ang global oil markets at maiwasan ang kakulangan sa suplay na dulot ng digmaan sa Iran.
Ayon sa Ministry of Economy, Trade and Industry (METI), inanunsiyo ang naturang hakbang nitong Miyerkules bilang tugon sa pangamba sa posibleng pagtaas ng presyo at kakulangan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sinabi ng isang opisyal ng METI na posibleng maranasan ng Japan ang pinakamalaking epekto kung magsasara ang Strait of Hormuz, na dinaraanan ng halos 70 porsiyento ng inaangkat nitong langis.
Inihayag ni Prime Minister Sanae Takaichi na sisimulan ang pagpapalabas ng reserbang langis sa Marso 16. Ito ay bago ang mas malawak na pagpapalabas ng oil reserves na pamumunuan ng International Energy Agency (IEA).






