
CAUAYAN CITY – Siyam ang bagong COVID-19 positive habang 5 ang recoveries sa lalawigan ng Nueva Vizcaya batay sa talaan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU).
Ang mga bagong aktibong kaso ay kinabibilangan nina CV 2528, 54 anyos na lalaki mula sa Napo, Ambaguio, Nueva Vizcaya na may travel history sa Tinoc, Ifugao.
Si CV 2559 ay 35 anyos mula sa Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya at nakasalamuha ang kasama sa trabaho na si CV 2405.
Si CV 2569 ay 24 anyos na residente ng Malasin, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya na nakasalamuha sina co-workers, CV 2405, CV 2520 and CV 2521.
Si CV 2570 ay 28 anyos na babae mula sa Quirino, Solano, Nueva Vizcaya na nakasalamuha ang mga kasama sa trabaho na sina CV 2405, CV 2520 at CV 2521.
Si CV 2571, 29 anyos na lalaki mula sa Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya at nakasalamuha si CV 2520.
Si CV 2555 ay 57 anyos na babae mula sa Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya at nakasalamuha si CV 2405.
Si CV 2556 ay 61 anyos na lalaki mula sa Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya at nakasalamuha si CV 2405.
Si CV 2557 ay 39 anyos na babae mula sa Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya at nahawa sa mister na si CV 2405.
Si CV 2558, 14 anyos na babae mula sa Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya at nakasalamuha ang ama na si CV 2405.
Patuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong COVID-19 positive sa Nueva Vizcaya.










