--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer at head ng Provincial Task Force ang ikasiyam na namatay sa Nueva Vizcaya dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ang nasawi na CV939, 59 anyos na lalaki mula sa Bagumbayan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya dahil sa komplikasyon sa kanyang sakit at panglabing-anim na sa region 2.

Kinumpirma rin ni Dr. Galapon na naideklara nang clinically recovered ang 13 pasyente ng COVID-19

Samantala, nakapagtala ang bayan ng Solano ng pitong bagong kaso ng COVID-19.

--Ads--

Una ay si CV1128, 31 anyos na lalaki na mula sa Tucal, Solano, frontliner ngunit walang kasaysayan ng paglalakbay sa ibang lugar.

Ikalawa si CV1131, 25 anyos na lalaki mula sa Quirino, Solano at nakasalamuha si CV948.

Ikatlo si CV1136, 43 anyos na babae mula sa Dadap, Solano, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakaranas ng lagnat.

Ikaapat si CV1137, 67 anyos na lalaki mula rin sa Dadap, Solano, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakaranas ng lagnat.

Ikalima si CV1139, 49 anyos na babae mula rin sa Dadap, Solano, walang kasaysayan ng paglalakbay at nagtatrabaho sa pampublikong pamilihan ng Solano at nakaranas ng sakit ng ulo at ubo.

Ikaanim si CV 1140, 56 anyos na babae mula sa Quirino, Solano at nakasalamuha ang anak na si CV889.

Ikapito si CV1114, 43 anyos na mula sa Quezon, Solano at walang kasaysayan ng paglalakbay.

Sumailalim sa Aggressive Mass Testing ng Department of Health (DOH) ang mahigit 1,600 na Novo Vizcayanos.

Inihayag ni Dr. Edwin Galapon na 1,621 ang nakuhanan ng swab specimen sa isinagawang Aggressive Testing ng mga contacts, sub-contacts at line contacts ng mga confirmed COVID-19 cases sa iba’t ibang bayan katuwang ang mga swab teams mula sa DOH at pamahalaang lokal.

Ayon kay Dr. Galapon, 932 na sumailalim sa swab testing sa Solano, 216 sa Bagabag, 209 sa Bayombong, 187 sa Aritao at 77 sa Dupax del Sur.

Layunin ng Aggressive Testing na mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa nasabing mga bayan at tuluyang ma-contain ang community at local transmission.

Pansamantala namang isinailalim sa tatlong araw na temporary closure ang  Solano Police station matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlong personnel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Ferdinand Laudencia, hepe ng Solano Police Station, sinabi niya na para  sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga personnel  at nasasakupan ay kailangang pansamantalang isara ang kanilang himpilan.

Aniya, bagamat naka-isolate na ang tatlong COVID-19 positive maging ang kanilang direct contact ay isinagawa nila ang malawakang disinfection sa gusali ng Solano Police Station.

Mabilis ang naging contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong personnel na isinailalim na sa isolation at swab test.

Nagpadala naman ng augmentation force ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) upang humalili pansamantala sa mga personnel ng Solano Police station na nasa quarantine.

Pansamanatalang tanggapan ng Solano Police Station ang OSCA building para sa community basic services.

Ang pahayag ni PMaj Ferdinand Laudencia.