--Ads--

Nasawi ang hindi bababa sa siyam na katao, kabilang ang isang bata at isang mamamahayag sa magkakahiwalay na pag-atake ng Israel sa Gaza Strip nitong Sabado.

Apat na Palestino, kabilang ang dalawang babae at isang bata, ang namatay matapos tamaan ng airstrike ng Israel ang isang apartment building sa Sabra neighborhood sa Gaza City. Nasira ang apartment at marami pang iba ang nasugatan sa naturang pag-atake, ayon sa mga medic.

Sinabi ng militar ng Israel na ang kanilang target ay isang militante, ngunit hindi sila nagbigay ng karagdagang detalye.

Sa hiwalay na insidente, isang babae ang nabaril at napatay ng Israeli forces sa bayan ng Beit Lahiya sa hilagang bahagi ng Gaza. Samantala, isa pang airstrike sa Khan Younis sa timog ng Gaza ang ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng walong iba pa.

--Ads--