--Ads--

Siyam ang nasawi habang 40 ang sugatan sa pamamaril sa bayan ng Hmoud sa probinsya ng Karak sa Jordan nitong Biyernes, Oktubre 23.

Ayon sa mga saksi, isa sa mga armadong suspek ang nagpaputok gamit ang AK-47 assault rifle sa loob ng ilang minuto. Target umano ng mga suspek ang bakuran ng isang simbahan kung saan nagtitipon ang maraming tao para sa pagdadalamhati sa pagkamatay ng isang residente.

Batay sa Jordan Public Security Directorate, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at patuloy ang pagtugis sa kanila ng mga awtoridad.

Itinuturing naman ng mga awtoridad na isang teroristang pag-atake laban sa mga Kristiyano ang insidente.

--Ads--

Kasunod nito, nangako si King Abdullah ng Jordan na kikilos nang mariin ang pamahalaan laban sa mga responsable sa pamamaril.

Ayon naman kay Jordan Prime Minister Jafar Hassan, nagtutulungan na ang mga ahensiya ng pamahalaan upang matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng pag-atake.