CAUAYAN CITY – Umabot na sa na sa kabuoang 549 ang naitalang kaso ng COVID 19 sa lalawigan ng Isabela matapos madagdagan ng 91 na nagpositibo ngayong araw .
Batay sa inilabas na talaan ng Provincial Information Office, nakapagtala ang Isabela ng 91 panibagong kaso ng virus ngayong January 31, 2021
Nangunguna sa mga bayan na may pinaka mataas na kaso ang Reina Mercedes na 18 , sinundan ng Nagullian na may 17, Tumauini na may 10, Cauayan City , Santiago City at bayan ng Gamu na may tig-aanim na kaso, San Pablo at Lunsod ng Ilagan na may tig-limang kaso, Roxas na may apat, at Cabagan na may dalawa.
Nakapagtala rin ng tig-iisang kaso ng COVID 19 ang mga bayan ng Angadanan, Delfin Albano, Maconacon, San Mateo, at Cabatuan.
Sa nasabing bilang dalawa ang Returning Overseas Filipino, 12 ang Non-APOR, 49 health workers, 41 pulis, at 445 ang mula sa local transmission.
Dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 patuloy na pinapalalahanan ang publiko na sundin ang mga health protocol upang manatiling ligtas sa virus.











