--Ads--

CAUAYAN CITY –  Ang region 2 ang ikalawang may pinakamalaking share sa  pondo na nalikom mula sa 70% ng kita sa rice importation para sa pagsasanay ng mga magsasaka na nagtatanim ng palay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Acting Regional Director Demetrio Anduyan ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) region 2 na  93 million pesos ang inilaan para sa ikalawang rehiyon.

Ito ay hinati-hati sa apat na lalawigan sa region 2 na kinabibilangan ng Isabela. Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino.

Ang may  pinakamalaking share ay ang Isabela na sinundan ng Cagayan, Quirino at Nueva Vizcaya.

--Ads--

Ang share ng bawat lalawigan ay depende sa bilang ng mga rice farmers.

Sinabi ni Ginoong Anduyan na nagpulong na sila kahapon at pinag-usapan kung paano hati-hatiin ang pondo para sa training ng mga magsasaka.

Kabilang sa mga ituturo ng TESDA sa mga  rice farmers ang rice machinery operation, small engine machinery operation and maintenance at inbred rice production, drying and milling operation. 

Sinabi ni Acting Regional Director Anduyan na libre ang training ng mga magsasaka ay mayroon pa silang allowance bawat araw.

Pipiliin ang mga magsasaka batay sa rekomendasyon ng mga barangay kapitan at mayor sa bawat bayan.

Ito ay dahil sila ang higit na nakakaalam sa mga magsasaka na kailangang sumailalim sa training para sila rin ang magtuturo sa mga magsasaka sa kanilang lugar.

Ang tinig ni TESDA Acting Regional Director Demetrio Anduyan