--Ads--

CAUAYAN CITY – Usap-usapan ngayon sa social media ang isang video hinggil sa umano’y pangongotong ng isang kawani ng National Bureau of Investigation Isabela District Office.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa nag-upload ng video na itinago sa pangalang June ng Naguilian, Isabela, sinabi niya na kukuha lamang sana siya ng NBI clearance para sa kanyang pagtungo sa ibayong dagat.

Ayon kay June, sa halip na tulungan siya ay isa umanong nagngangalang Sabino Lemu ang nag-alok sa kanya na magbigay na lamang ng dalawang libong piso.

Kusa aniyang inalok ng naturang empleyado na siya na ang magpoproseso sa NBI clearance kapalit ng naturang halaga.

--Ads--

Makikita sa naturang video ang aktong pagbulsa ng nasabing kawani sa pera na ibinigay sa kanya.

Umani rin ito ng ibat ibang reaksyon at maraming netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya hinggil sa pangyayari.