Nananatiling pinakamataas sa rehiyon ang inflation rate sa Pilipinas, na umabot sa 7.8% nitong Oktubre, pinakamataas sa halos apat na taon.
Ayon sa Dutch financial institution na ING, pangunahing dahilan nito ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at epekto nito sa presyo ng iba pang bilihin.
Dahil dito, inaasahan ng ING na magpapatupad pa ng 25-basis-point interest rate hike ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa Disyembre, na magdadala sa policy rate sa 5.75%.
Samantala, bumagal sa 2.1% ang economic growth ng bansa sa ikatlong quarter ng 2026, habang inaasahan namang makababawi ito at aabot sa 5% sa 2027.
Nagbabala rin ang ING sa patuloy na paghina ng piso dahil sa lumalawak na current account deficit at pagbaba ng foreign exchange reserves.
Inaasahang aabot sa ₱64 kada US dollar ang palitan ng piso pagsapit ng ikalawang quarter hanggang katapusan ng 2027.











