--Ads--

CAUAYAN CITY– Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang nauna nang nai-ulat sa Bombo Radyo Cauayan na nagsauli ng kanilang napulot na bag na naglalaman ng halos 3 milyong pisong cash at tseke.

Binigyang pagkilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng plaque na may pamagat na Governor Faustino Bojie Dy III Gawad Ulirang Kawani ang isang kasapi ng Provincial Security Group na si Benizer Abad na una ng nagsauli ng halos P/100,000.00 at milyong milyong halaga ng tseke na kanyang napulot sa compound ng Manuel A. Roxas District Hospital.

Magugunita na una na na siyang nagtungo sa Bombo Radyo Cauayan kasama ang dalawa pang kawani ng nasabing pagamutan upang ipanawagan ang kanilang napulot na bag.

Isa lamang ang binigyan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Gawad Ulirang Kawani Award batay na rin sa lumabas na imbestigasyon ng Manuel A. Roxas District Hospital

--Ads--