--Ads--

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang tsuper ng oil tanker matapos mahigip ng pampasaherong bus sa Baliling, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Jimmy Ferrer, 37 anyos at residente ng Rizal, Roxas, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Insp. Filipino Flaris ng Sta. Fe Police Station, ang biktimang si Ferrer ay nahagip ng isang pampasaherong bus habang papatawid sa lansangan upang umihi.

Nakatakda umano magdeliver ng krudo sa Bambang, Nueva Vizcaya ang biktima kasama ang kanyang isang pahinante subalit nagpasya umano huminto sa bayan ng Santa Fe upang uminom ng kape para matanggal ang kanilang antok.

--Ads--

Sa salaysay naman ng mga nakasaksi, tila may narinig silang pumutok na gulong subalit nang tignan ay nakita ang katawan ng biktima na nakahandusay at ang bus na nakabangga rito.

Bagamat saglit na huminto ang bus subalit agad din tumakbo sa direksyon na patungong kalakhang maynila.

Agad namang isinugod ang biktima sa kalapit na pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.