--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga rescue team ang magkapatid na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog sa San Ignacio, Lunsod ng Ilagan.

Ang mga biktima ay ang magkapatid na Rosita Manabat, 9 anyos, grade 3 at Mark Manabat, 6 anyos, residente ng San Ignacio, Lunsod ng Ilagan.

--Ads--

Ang mga rescue team ay pinangungunahan ng Rescue 1124 ng Pamahalaang Lunsod ng Ilagan, pangkat mula sa Ilagan City Police Station at mga kamag-anak ng mga biktima.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nahulog sa gilid ng ilog ang nakababata na si Mark kaya tinangka siyang sagipin ni Rosita ngunit sa kasamaang palad ay tinangay din siya ng malakas na agos ng tubig.

Agad nagsagawa  ng rescue operation ang mga otoridad ngunit hindi agad natagpuan ang magkapatid na Manabat.