--Ads--

CAUAYAN CITY – Pang-walo ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng tuberculosis kung ang pag-uusapan ay ang tuberculosis burden sa buong mundo.

Ito ang inihayag sa Bombo Radyo Cauayan ni Kalihim Paulyn Ubial ng DOH sa kanyang pagdalaw sa Isabela upang pasinayahan ang isang Drug Rehabilitation Center sa Lunsod ng Ilagan.

Sinabi niya na suliranin pa rin ng pilipinas ang sakit na tuberculosis o TB kaya puspusan ang kanilang kampanya upang maipaalam sa buong bansa ang kaalaman ukol sa nasabing sakit.

Anya hindi dapat na matakot ang mga maysakit ng tuberculosis dahil may gamot na para dito at ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng gamot para sa mga kinapitan ng sakit.

--Ads--

Tinyak din ni Kalihim Ubial na laging bukas ang kanilang mga tanggapan para sa mga reklamo ng mga mamamayan laban sa mga health facilities sa bansa.

Sinalubong si Kalihim Ubial ng mga kawani ng DOH Region 2 sa pangunguna ni Regional Director Val Lopez.