CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Provincial Director ng National Food Authority o NFA na walang fake rice o pekeng bigas sa Isabela at maging sa buong bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Emelyn Baroga, sinabi niya wala pang kumpirmadong kaso ng fake rice sa bansa taliwas sa mga kumakalat ngayon sa social media .
Anya, ligtas ang Isabela mula sa pekeng bigas at wala pa naman umano silang nababalitaan na kahalintulad na reklamo sa lalawigan.
Batay aniya sa pagsusuri ng kanilang Central Office sa umanoy pekeng bigas na nabili sa Lunsod Quezon ay hindi ito kumpirmadong peke .
Nag-isyu na rin sila ng mga tips para sa pagbili ng bigas.
Malabo aniya ang tungkol sa pekeng bigas dahil mahal ang component ng plastic na ginagamit sa paggawa ng bigas.




