CAUAYAN CITY – Isinagawa ang unang araw na seminar para sa mga gurong magsisilbi sa Barangay at SK election sa May 14, 2018.
Ang seminar ng mga guro mula sa elementary and secondary government schools ay pinangunahan ng comelec Ilagan City .
Magkakaroon ng per batch ang mga gurong sasailalim sa seminar upang matiyak na hindi sila mangangapa sa kanilang pagsisilbi sa halalang pambarangay lalo na at mano mano ang gagawing botohan at pagbilang sa mga boto.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Election Officer Jerby Cortez ng Comelec Ilagan City na naging maayos naman ang unang araw na seminar ng mga guro.
Magkakaroon anya ng color coding sa mga gagamiting balota sa pagboto kung saan ang para sa mga barangay ay kulay itim habang sa balota ng Sangguniang Kabataan ay kulay Pula.
Lahat anya ng gagamitin nilang balota ay mayroong petsang October 23, 2017.