CAUAYAN CITY- Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na nanalo na ang pamahalaan laban sa mga makakaliwang grupo.
Sa kanyang pagsasalita sa kanyang pagdalaw sa 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi ng pangulo na marami nang sumuko na kasapi ng New Peoples Army (NPA) at marami nang nasawi sa mga sagupaan
Sinabi ng pangulo na maraming sumukong rebelde ang nakikipagtulungan sa pamahalaan para mahimok ang kanilang mga dating kasama na magbalik loob sa pamahalaan.
Dito sa isabela aniya ay hindi na malaki ang bilang ng mga kasapi ng NPA.
Naniniwala ang pangulo na pinagbubuti ng mga sundalo ang pagtupad sa sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang kalayaan na tinatamasa ng mga pilipino
Isa aniya sa nagpapabagal sa pag-unlad ng bansa ang insurhensiya at terorismo
Pinuri ni pangulong duterte ang 5th ID sa paglipol sa mga NPA sa kanilang nasasakupang lugar.
Patunay na hindi nagbabaya sa pagkamit sa kapayapaan sa mga nasasakupan ito ang napasukong 100 kasapi ng NPA.