--Ads--

Mariing kinondena ni Pope Leo ang patuloy na pagsasamantala sa kagubatan ng Amazon at hinimok ang mga Katoliko na patuloy na tutulan ang malawakang pagkalbo ng kagubatan at polusyon na dulot ng pagmimina ng ginto at pagkuha ng langis.

Sa kaniyang pakikipagpulong sa mga katutubong komunidad sa Pucallpa, Peru, binigyang-diin ng Santo Papa ang matinding pinsalang idinudulot ng ilegal na pagtotroso, pagmimina at oil spills sa pinakamalaking rainforest sa mundo.

Kinondena rin niya ang sunod-sunod na pagpatay sa mga lider ng katutubong grupo na lumalaban upang maprotektahan ang kanilang mga lupain, at iginiit na dapat mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Ayon kay Pope Leo, hindi lamang basta mga aksidente ang pagkasira ng kagubatan at polusyon sa mga ilog, kundi bunga ito ng iresponsableng pagsasamantala sa likas na yaman na nagbabanta sa kabuhayan at mismong buhay ng mga katutubong komunidad.

--Ads--

Nanawagan din siya na tutulan ang sistemang inuuna ang pansariling pakinabang ng iilan kapalit ng pagkasira ng kalikasan at kultura ng mga katutubo.