--Ads--

CAUAYAN CITY- Sinimulan ngayong araw ang dalawang araw na regional federalism roadshow na pinapangunahan ni Consultative Committee Commissioner Dr. Virgilio Bautista at mga kasamahan nito.

Ang road show ay may kaugnayan sa isinusulong na pederalismo ng pangasiwaang Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Laurence Wacnang, isa sa mga commissioner ng Consultative Committee na ang isinusulong na federalism form of government ay natalakay ang structure nito kung saan bukod sa national government na mayroon tayo ngayon ay magkakaroon ng government of the federated regions na may kaukulang separate shared powers mula sa national government.

Bukod kay Atty. Wacnang ay kabilang sa nagsasagawa ng dalawang araw na regional federalism roadshow sa Cauayan City ay sina Consutative Committee Commisioners Fr. Ranhilio Aquino, Atty. Lawrence Wacnang at Atty. Susan Ordinario.

--Ads--

Ilan lamang sa natalakay ngayong araw ang istraktura ng federal government at constitutional bodies, economic reforms and fiscal administration, at creation and structure of federal regions at transition amendments.

Bukas ng hapon ay inaasahang makikipagpulong sina Commissioner Bautista tinatayang 3,000 indibidwal na mula sa iba’t ibang sector, local government official, at iba pa sa FLDy coliseum

Nakaalerto ngayon ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa pagbibigay ng seguridad sa mga VIPs sa isinasagawang regional federalism roadshow.