--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang senior citizen matapos paratangang gahasahin ang isang 5 anyos na batang babae sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Dupax del Norte Police Station, iniwan ng ina ang bata sa kaniyang lola.

Habang mag-isang naglalaro ang biktima at walang kasama ay idinala siya ng 6o anyos na suspek sa abandonadong bahay at ginahasa.

Matapos dumating ang ina ay nakitang basa ang likod ng short pants ng anak at agad na pinaliguan ngunit napansin ang kakaibang kilos ng bata.

--Ads--

Agad na nagsumbong sa Dupax del Norte Police Station ang ina hinggil sa ginawang panggagahasa matapos ilahad ng bata ang buong pangyayari.

Nagpositibo sa panggagahasa ang bata matapos sumailalim sa medical examination.

Ang suspek ay nasa pangangalaga na ng pulisya sa Dupax del Norte at sinampahan ng kasong panggagahasa.