--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Kasibu Police Station at Criminal Investigation and Detection Group Pangasinan Field Unit ang isang magsasakang may kinakaharap na kasong rape sa Tayug, Pangasinan

Inaresto ng mga otoridad sa Purok 4, Brgy. Macalong, Kasibu, Nueva Vizcaya si Wilfredo Ramirez, 43 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Legaspi, Tayug, Pangasinan.

Siya ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rusty Nayang Regional Trial Court Branch 51, Tayug, Pangasinan dahil sa kasong rape.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Ramirez.

--Ads--

Si Ramirez ay nasa number 4 top most wanted person sa Tayug, Pangasinan at hinihinalang kasapi ng “Dimalanta Group” na sangkot sa robbery, gun for hire and theft operation na kumikilos sa ikalima at ikaanim na distrito ng Pangasinan.

Nasa pangangalaga na ng mga kasapi ng CIDG Pangasinan Field Unit ang suspek para sa kaukulang disposisyon.