--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng mga saksak sa katawan ang isang lalaki matapos siyay saksakin ng kainuman nito kagabi sa barangay San Miguel, Luna, Isabela.

Ang suspek ay si Wilson Marcelo, 29 anyos, gulang, walang asawa, isang helper, at residente ng brgy. San Marcelo, Angadanan, Isabela habang ang biktima ay si Jomar Marinduque, 35 anyos, may asawa, isang helper, at residente ng brgy. Macugay, Luna, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Luna Police Station, nag-inuman umano ang biktima at suspek kasama ang isang Jayson Gumaru nang nagkaroon ng sagutan ang dalawa.

Akmang aaalis na lamang ang biktima nang kumuha umano ng kutsilyo ang suspek at saka sinaksak si Marinduque sa ibabang bahagi ng kanyang likod.

--Ads--

Natumba angĀ  biktima subalit sinaksak pa muli ni Marcelo sa kanyang kanang dibdib.

Nagawa umanong depensahan ng biktima ang kanyang sarili at naagaw ang panaksak saka isinaksak sa mukha si Marcelo.

Agad dinala sa magkahiwalay na pagamutan sina Mariduque at Marcelo para malapatan ng lunas.