--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasamsaman ng granada ang lalaking dinakip sa anti illegal drug buy bust operation sa Naguillian, Isabela.

Ang suspek ay si Novelito Quitola, 40 anyos at residente ng Surcoc, Naguillian, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO2 Charlie Capuchino, imbestigador ng Naguillian Police Station na bago pa man isagawa ang drug buy bust operation ay nakakatanggap na sila ng impormasyon mula sa mga kabarangay na suspek na mayroon siyang baril at nasasangkot sa illegal na droga.

Nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis ay positibong nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na poseur buyer.

--Ads--

Nang kapkapan si Quitola ay nakita ang isang granada sa loob ng kanyang bag .

Newly identified drug personality ang suspek.