--Ads--

CAUAYAN CITY- Pangkalahatang mapayapa ang Isabela state university (ISU) System at walang natatanggap na impormasyon ang pamunuan nito na may mga estudyante na sangkot sa mga aktibidad laban sa pamahalaan.

Ito ay kaugnay ng ibinunyag ng AFP na batay sa kanilang monitoring at intelligence gathering ay may mga mag-aaral sa sampung pamantasan pangunahin sa kalakhang maynila ang sangkot sa red october ouster plot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Ricmar Aquino, pangulo ng ISU System na mayroon silang palaging komunikasyon sa mga student leaders.

Sa palagian nilang pakikipag-usap aniya sa mga mag-aaral ay wala silang nakikitang pagkakasangkot sa anumang aktibidad laban sa pamahalaan dahil advocate sila ng kayapaan sa ISU.

--Ads--

Sinabi pa ni Dr. Aquino na sa ISU ay kinakausap nila ang mga mag-aaral para malaman ang kanilang mga concern o hinaing at ginagawan nila ng paraan para maibigay ang mabuting serbisyo.

Aniya, aktibo ang student affairs sa pagbibigay ng guidance o gabay sa mga mag-aaral para mabigyan sila ng sapat na payo dahil karamihan sa mga mag-aaral ay anak ng mga magsasaka kaya binibigyan sila ng gabay na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at iwasan ang anumang aktibidad na makasira sa kanilang pag-aaral.