--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Boyombong Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency ang isang mag-aaral sa isinagawang drug buy bust operation sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang dinakip ay si Mark, 18 anyos, mag-aaral at residente ng Bonfal West, Bayombong Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Bruno Palattao, Deputy Chief Of Police ng Bayombong Police Station na nakatanggap sila ng impormasyon sa mga nauna na nilang nadakip na si Mark ang nagbebenta ng droga sa mga kapwa mag-aaral at mga out of school youth sa kanilang lugar.

Dahil dito kanilang sinubaybayan ang nasabing mag-aaral at dito napatunayan nilang nagbebenta ng marijuana, makaraang bentahan ang pusher/buyer na kasapi ng PDEA.

--Ads--

Sinabi pa ni P/Senior Inspector Palattao na ang suspek ay hindi sumuko sa oplan tokhang kundi ibinunyag lamang ng kanyang mga kasamahang nadakip na nagtutulak ng illegal na droga.

Pinalaahanan ni Senior Inspector Palattao ang mga magulang na palagiang pagsabihan ang mga anak upang hindi masangkot sa masamang gawain.