--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong katao ang inaresto ng mga kasapi ng San Mateo Police Station malapit sa quarry site na gumagamit ng illegal na droga.

Ang mga nadakip ay sina Edralyn Cabacungan, 27 anyos,residente ng Bacarenia, San Mateo, Isabela; Crispin Bustamante, 28 anyos, may-asawa, isang photograher na residente ng Bacarenia, San Mateo, Isabela at si Jacob De Guzman, 22 anyos, mag-aaral residente ng barangay 3 San Mateo, Isabela.

Naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na gumagamit ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa gilid ng maisan malapit sa ilog.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Chief Inspector Richard Gatan, Hepe ng San Mateo Police Station na nagkakahalaga ng Php1,000.00 ang halaga ng nasamsam na hinihinalang dahon ng marijuana sa mga suspek.

--Ads--

Mayroon anyang nagbigay ng impormasyon sa pulisya ukol sa paggamit ng droga ng tatlong suspek kaya’t nagsagawa sila ng operasyon

Dalawang linggo na anya nilang pinaghahanap si De Guzman dahil may nakuha silang impormasyon na pinapagamit nito ng marijuana ang ilang menor de edad na mag-aaral ng sekondarya.

Isinasailalim pa sa karagdagang pagsisiyasat ang tatlong nadakip.