--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang laborer na nahaharap sa kasong rape barangay Bonifacio, Diffun, Quirino.

Ang suspek ay si Efren Ballesteros, 32 anyos at residente ng Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Cicero Jandoc ng Regional Trial Court Branch 29 ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan ng suspek.

--Ads--

Ang akusado ay dinala sa Diadi Police Station at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.