--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw ng ilang spare parts ng motorsiklo sa isang bahay kalakal sa Cabagan, Isabela.

Ang suspek ay si Lawrence Mandrano, 27 anyos at tubong Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nahuli ng may-ari ng bahay kalakal ang suspek na nagnanakaw at agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya ngunit nakatakas ang akusado.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation at nadakip si Lawrence.

--Ads--

Nasamsam mula sa kaniyang pag-iingat ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang pinaghihinalaan ay nahaharap sa kasong robbery at paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).