--Ads--

CAUAYAN CITY – Iginiit ng chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ( KMP ) na gawa-gawa at imahinasyon lamang ng AFP at administrasyong Duterte ang tungkol sa Red October ouster plot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni G. Danilo Ramos, chairperson ng KMP na ang October ay buwan ng peasant campaign.

Ang panawagan nila ay lupa para sa mga magsasaka, tunay na reporma sa lupa at libreng pamamahagi ng lupa.

Aniya, mahigit 30 taon na nilang ginagawa ang isang linggong protesta ng mga magsasaka tuwing ikalabing-anim hanggang ikadalawamput isa ng Oktubre.

--Ads--

Tuwing October 16, 2018 ay ipinagdiriwang ng United Nations Food and Agriculture Organization ang World Food Day kaya ang isang nilang binibigyan ng diin sa aktibidad na ito ay ang panawagan sa pamahalaan na ibaba ang presyo ng bigas.

Ayon kay G. Ramos, nais din nilang magtakda ang pamahalaan ng price ceiling na Php38.00 bawat kilo ng commercial rice dahil mahalaga sa mga pinoy ang bigas.

Nais din nilang hilingin sa pamahalaan sa kanilang kampanyang magsasaka ngayong Oktubre na bigyan ng tulong ang mga magsasaka na biktima ng Bagyong Ompong sa Northern at Central luzon.