--Ads--

Magsasakang may kasong rape, arestado sa Nueva Vizcaya

CAUAYAN CITY – Arestado sa bayan ng Villaverde ang isang number 3 wanted person sa Quezon, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay si Danilo Cabanit, 45 anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Quezon, Nueva Vizcaya.

Si Cabanit ay nahaharap sa kasong rape.

--Ads--

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay ipinalabas ni Judge Cecero Jantoc ng RTC Branch 29

Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Insp. Oscar Abrojena, hepe ng Villaverde Police Station na matagal ng nagtatago sa mga alagad ng batas ang suspek.

Anya ang biktima ni Cabanit ay kasintahan ng kanyang kaibigan ngunit mariing itinatanggi ng suspek ang paratang na panggagahasa laban sa kanya.

Mayroon anyang nagsumbong sa mga pulis sa pagtatago ng suspek sa kanilang lugar at dito natuklasang si Cabanit ay pinaghahanap ng mga alagad ng batas dahil sa kasong rape kayat kanilang inaresto.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek at ipinasakamay na sa court of origin.