--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang dalawang sakay ng motorsiklo at isang pulis matapos magkaroon ng habulan sa isang checkpoint sa San Fermin, Cauayan City

Sa halip na tumigil ay tumakas sina Marc Leo Galema, residente ng Cabaruan, Cauayan City at ang kasamang menor de edad na residente ng Ilagan City.

Pinatigil sila ng mga pulis sa checkpoint dahil wala silang suot na helmet ngunit binilisan ni Galema ang kanyang pagpapatakbo kaya natumba sila sa papalikong bahagi ng barangay road.

Nang makarating sa nasabing pakurbang daan ang ang humabol na pulis ay natumba rin.

--Ads--

Nagtamo sila ng mga sugat sa katawan at nilapatan ng lunas ng mga kasapi ng Rescue 922 at hindi na sila dinala sa pagamutan.

Negatibo sa alcoholic breath test ang dalawang sakay ng motorsiklo na agad dinala sa himpilan ng pulisya makaraang mag-motorsiklong walang helmet.