--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang senior citizen na wanted sa kasong paglabag Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang inaresto ng mga kasapi ng Cabagan Police Station sa Brgy. Centro, Cabagan, Isabela.

Ang inaresto ay si Florito Reyes Sr., pitumpu’t isang taong gulang at residente ng Brgy Magassi, Cabagan, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay dinakip sa bisa ng mandamiyento de aresto na inilabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC, 2nd Judicial Region Branch 22, Cabagan, Isabela.

Kaagad nakalaya ang suspek makaraang maglagak ng piyansang Php120,000.00

--Ads--