--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng command conference ang pulisya kaugnay sa paghahanda ng pagdiriwang ng mengal festival at ang isa mga higlights nito ay ang gaganaping resorts wear at talent Competition ng mga kandidata ng 2018 Miss Earth.

Ang command conference ay dinadaluhan ng mga hepe ng pulisya sa Isabela, provincial directors ng PNP sa rehiyon dos, mga kasapi ng 502nd Brigade ng Phiippine Army, Phil. Red Cross at iba pang sangay ng pamahalaan.

Ito at bilang paghahanda sa pagbibigay segruridad ng mga kandidata sa Miss Earth 2018 at mga manonood sa nasabing event .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan tatlumpong kandidata ng Miss Earth 2018 ang magtutungo sa Echague Isabela para sa resorts wear and talent competition ng Miss Earth na gaganapin gabi ng Sabado, October 27, 2018.

--Ads--

Bukas, araw ng Miyerkoles ay magkakaroon wellcome dinner sa 30 kandidata ng 2018 Miss Earth sa bayan ng Echague, Isabela.