--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakakulong na ang isang ama na nasamsaman umano ng illegal na droga matapos dakpin dahil sa paratang na panggagahasa sa dalawa nitong anak sa Tumauini, Isabela.

Bukod sa kasong incest rape ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous drug act of 2002 ) ang isang 32 anyos na ama sa isang barangay sa Tumauini.

Nauna rito, akatangap ng tawag ang mga kasapi ng Tumauini Police Station mula sa isang barangay kapitan at ipinabatid ang ginawang pang-aabuso ng isang ama sa kanyang dalawang anak na 9 anyos at nakababatang kapatid nito.

Agad na nagtungo sa nasabing lugar ang mga pulis at umamin sa isa sa mga biktima na 6 anyos pa lamang siya nang simulang pagsamantalahan ng ama

--Ads--

Inaresto ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang ama ng mga biktima at ng kapkapan ay nasamsam mula sa kanya ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.