--Ads--

CAUAYAN CITY -Isinasagawa ang random calibration ng mga timbangan ng mga nagtitinda sa loob ng palengke sa San Mateo, Isabela.

Ang random calibration ay isinasagawa ng Economic Enterprise Management Office ng San Mateo.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang random calibration ay isinasagawa ng Economic Enterprise Management Office upang matiyak na tama at wasto ang timbang ng mga ginagamit na timbangan sa loob ng pamilihan.

Ayon sa isang tinderang ginang kahit na sobra ang timbang ay maituturing pa ring depektibo ang timbangan kayat kinakailangang ma-calibrate upang maiwasto.

--Ads--

Ito ay para matiyak na hindi nalulugi ang mga bumibili at nagtitinda.

Isinasagawa ng random calibration katuwang ang Treasury Office ng San Mateo.