--Ads--

CAUAYAN CITY -Inaresto ng mga kasapi ng San Mateo Police Station ang apat na kalalakihan matapos na maaktuhang gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

Ang mga sangkot ay sina Abigail Garcia, 23 anyos; Jerome Del Rosario, 21 anyos; Joey Custudio, 18 anyos at Wilfred Sagun,30 anyos na pawang residente ng Daramuangan Norte, San Mateo.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station, isang concerned citizen ang nagbigay ng pabatid sa pulisya hinggil sa nagaganap na pot session sa barangay uno, San Mateo, Isabela.

Agad na nagsagawa ng follow-up Operation ang ilang kasapi ng San mateo Police station sa pangunguna ni P/Chief Inspector Richard Gatan at nadakip ang apat na lalaki.

--Ads--

Nasamsam sa apat na suspek ang mga pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana.